Meron na bang naka testing dito na mga forum members dyan sa mga ATM machines na mga yan? Maganda sana kung mag comment sya dito para malaman natin kung ok na etong gamitin?
Actually, yan din ang hinihintay ko na sana may mag confirm dito na yung ATM machine for Bitcoin is pwedi ng gamitin. I am also looking information about the UnionBank ATM machine for bitcoin pero I think para wala pang balita.
Sana dumami pa yung Bitcoin ATM machine para naman mas madalian na yung pagpurchase nito maliban sa coins.ph na need mo pa mag undergo ng KYC submission.
Mga kabayan, actually meron nang nakapag try gumamit ng ATM machine na yan sa Sunnette Tower. Si kabayang "zenrol28", nagpost siya last Feb. 23 with matching pictures. Bumili siya ng Bitcoin kaya nga lang eh medyo mahal daw ng 3% compared to coins.ph, no withdrawal, at walang technical support na naka-antabay. [i-check niyo yung post niya sa page 1 ng topic na ito]. It's a good thing na gumagana siya kahit na nga for buying pa lang.