Nagkalat na talaga sila. Ang nakakabilib lang sa mga scammer na iyan eh talagang pinag-iisipan nila ng mabuti ang mga panloloko na gusto nilang maisakatuparan. Dedmahin o huwag nating pansinin. Sa aking palagay iyan ang pinakamainam nating magagawa. Lumalakas lang naman ang loob ng mga iyan kapag may nagre-response sa kanila eh. Or puwede rin namang i-trol natin sila. We have to tell them na sila muna ang mag deposit ng BTC sa account natin para pang taya or anything, tutal naman eh hati daw sa reward. Tiyak na tiyak sila naman ang mang dededma sa atin. Ingat tayong lahat mga kabayan.