ICO - Initial Coin Offering, ito ang pinaka popular na ginagamit ng mga bagong proyekto para maka likom ng pera.. Noon kasagsagan ng taong 2017, napaka raming proyekto ang dito ay kumita at naka pagpatayo ng kanilang companya gamit ang perang kanilang nakolekta, ngunit sa hindi inaasan pangyayari sa sumunod na taon ay bigla itong nanghina at halos bumagsak, maraming investors ang umayaw at lumayo.
Totoo yan. Sa katunayan ay naging daan din ang ICO sa paglitaw ng mga scam na proyekto dahil walang kaukulang batas patungkol dito. Sa tingin ko ay nakabuti din ang pag alis ng iilang mga investor na nandito lamang para sa madaliang paraan ng pagkita ng pera.
Sa paghahanap ng panibagong pamamaraan para maka likom ng pera, lumitaw ang paraan IEO, ( initial exchange offering ) una itong inilunsad sa binance kung saan naitala ang pinaka maiksing panahon sa pagkuha ng cap ng proyekto. sinasabing sa loob ng 15 minutes na kamit ng nagbenta ang kanilang softcap...
marahil ito na ang magiging pamamaraan ng mga bagong proyekto sa pag lunsad ng kanilang companya.
Hindi ako sang ayon na ang binance ang unang nag lunsad ng IEO, sa katunayan matagal na itong ginagawa ng mga exchanges tulad ng LAToken at iba pa. Though Binance ang pinakapatok dahil sa mataas na standard nito at maayos na pamamahala kaya siguro nasabi mong ito ang unang nag lunsad.