Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kumikita parin ba kayo sa bounty campaigns?
by
blockman
on 02/05/2019, 19:36:00 UTC
Ang tanong kasi kung umaabot naman ba talaga sa mga exchange yung token na prinomote mo. Karamihan sa mga problema ngayon na nababasa ko hindi na umaabot at panay scam na, mahirap na din humanap ng legit na project na iadvertise mo kasi nga yung mga manager mismo nahihirapan alamin kung legit ba yun. Mas mabuti talaga kung ikaw mismo may sarili kang batayan na mahigpit para kung may salihan ka man sa susunod, nabusisi mo na at vi-nerify muna kung ok ba o hindi.
Kung i-search mo sa youtube about ICO, makikita rito na maraming nagsasabi na more than 90% of ICOs were scam. Napakataas nyan at kung ikaw ay investor ay iiwas ka talaga sa ICO para iwas scam rin at iyan ang dahilan bakit tumumal ang bounty campaign. I doubt if a bounty hunter would do a reseach on a certain project unless he intend to invest on it. Kung ikaw ay bount hunter mas mabuti sumali na lang sa mga signature campaign which pays btc at marami naman diyan ngayon tulad ng Bitvest, di nga lang kalakihan pero at least mayroon.
Totoo yun na more than 90% ng mga ICO ay scam na sa era na ito. Pero nung mga panahon na 2016-2017 madami dami ang legit at yun yung mga matatag na coin ngayon kasi naging maganda ang pasok nila sa market. Sa ngayon, kung meron mang bagong ICO na legit mahihirapan na sila kasi nga karamihan sa mga investors ngayon iniisip scam na lahat sila kaya kung meron man silang bounty, apektado na rin. Tama ok rin yang bitvest at least yan talagang matatag na at ilang taon nang tumatakbo.

Sa panahon kasi ngayon pumasok na din sa mundo ng ICO ang mga scammer so gagawa sila ng kunwari project pero tatakbo naman after ng token sale tapos lipat sa bagong project.
Nako napakarami na ng mga scam ngayon na ICO, ibang iba na talaga di na siya tulad ng dati na halos bawat labas ng project totoo at may mapapala ka. Kaya yung mga bounty nung una, swerte yung mga nakasali.

Malas ko lang kasi hindi ako focus sa mga bounty dati na token/altcoin ang payment kasi halos lahat sa bitcoin campaigns ako.