Kadalasan naman yung mga tao na nagsasabi ng negatives about bitcoin sila yung nag aabang na bumagsak ang presyo para makabili agad e. Kung tutuusin kasi hindi naman nila kailangan ipagsabi na patay na si bitcoin kung talagang paniniwala nila yun
Nakakainis lang kasi talaga yung mga ganung uri ng tao. Kala mo kung makapagsalita tungkol sa ating naghohold ng bitcoin eh tulad ng mga kriminal na nababalita sa tv. Hindi parin nila lubos maunawaan kung ano yung bitcoin, ang alam lang nila tumaas at bumagsak ang presyo. Sabagay, may mga kilalang tao nga naman na nagsabi dati na patay na ang bitcoin tulad ni Jamie Dimon tapos malaman laman natin na yung kumpanya niya bumili nung bumaba at ngayon may sarili na silang token.
Tama, isa pa, sana ugaliin din natin na ikalat ang positibong balita para sa mga bagong papasok sa crypto ay mainganyo sila na aralin at gamitin ang crypto dahil malaki talaga ang potential nito para gayun ay tumaas ang presyo ng bitcoin. Kung sa Technical analysis naman, sa tingin ko naghahanap si bitcoin ng support level aroung $5300- $6000, kung maabot nito ang $6000, possibleng malaki ang magiging impact nito sa market sa pagiging very bullish.
Pero kung ako, hindi ko na ikakalat kung ano mang merong magandang balita lalo na sa mga kaibigan at pamilya ko. Kung meron mang interesado na mangilan ngilan, open naman ako sa discussion sa kanila. Hindi natin sila kailangan i-engganyo, ang kailangan lang talaga ipaunawa natin kung gaano ka-volatile ang bitcoin.