Mas safe na at hawak mo pa ang private keys mo at pwede mo dalhin rin palagi yung USB type hardware wallet tulad ng nano. Kung wala ka namang pambili, may mga desktop wallet naman.
Bet ko yung nano ledger, pag meron na akong malaking halaga ng bitcoin balak ko rin bumili, pero sa ngayon tiis2x muna sa mga web wallet pero dun sa mga exchanges na bago kahit isang libo hindi ko pinagkakatiwala doon madalas kinukuha ko na kaagad malabo na baka biglang magsara.
Kung tiis tiis mode ka muna ngayon, payo ko lang kaibigan wag ka sa mga web wallet mag tago ng mga pondo mo lalo na bitcoin mo. Pwede ka naman gumamit ng desktop wallet tulad ng electrum na hawak mo yung seeds mo para pwede mo marecover kahit anong oras. Kung ako sayo, i-praktis mo na yung sarili mo na gumamit ng mga desktop wallet muna hanggat wala ka pang nano ledger s. Kung gusto mo naman i-try yung bitcoin core na desktop wallet, need mo nga lang idownload yung buong network ng bitcoin na medyo matagal. Ang sa akin lang, para maranasan mo din naman.
Tama use offline wallet like electrum, kahit one wallet is good for all your Bitcoin na. Just make sure na ung paglalagyan mo ng electrum wallet mo is clean. Mas maganda kung meron kang separate device like saken my Laptop ako good for my Electrum wallet lang bagong reformat. Ilan years na saken un and til now never pa ko na hack.