Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang iyong nabili gamit ang iyong Crypto?
by
blockman
on 03/05/2019, 08:47:23 UTC
Sa pagbabayad ng monthly internet bill namin ko nagagamit ang mga naiipon kong crypto dahil hindi naman ako palabili ng mga bagong gamit lalo na kung nagagamit pa o maayos pang gumagana.
Siguro marami rami ka ng naipon na bitcoin at iba pang mga altcoin dahil hindi ka naman pala palabili ng gamit. Ganyan din ako dati, inuuna ko muna yung mga expenses namin lalo na yang internet bill, kuryente at tubig kasi yan ang kailangan natin palagi.

Kakatuwa naman basahin mga replies na nasa itaas nakaka inspire lahat samantalang ako cellphone lang nabili ko. Cheesy
Sa tingin ko wala dito nakabili na direct crypto nila or bitcoin mismo ang pampabayad. Lahat converted to cash from bitcoin dahil ganyan kasi ako. Sana all din. Cheesy
Tama ka jan, wag lang tayong susuko sa crypto makakamit rin natin ang tagumpay.
Ngayon maliliit na bagay lang pero hula ko sa susunod na bull run baka makabili rin tayo ng sasakyan,
itong crypto hindi ito mawawala, so yung opportunity dito malaki at mananatili.
Wag panghinaan ng loob, lahat naman tayo may kanya kanyang panahon at pangangailangan. Wag mainggit kung ano ang na-achieve ng iba, mas maging proud pa tayo na nagawa at nakamit nila mga pangarap nila gamit ang bitcoin. Kung nangyari sa kanila, syempre mangyayari din yan satin.