Hindi paglalagay ng "stop" (stop-loss) sa trading
Ang hindi paglalagay ng "stop" sa trading ay maaring makaapekto ng malaki sa inyong account at sa inyong emosyon.
Eto talaga pinakalagi kong isinasa alang alang sa sa tuwing ako ay nag tetrade para maiwasan ang malaking pagkatalo sa pagtetrade, mahirap na at baka tuluyang bumagsak ang coin na hinohold mo atleast pag may stop-loss ka matalo ka man ay minimized na sya.
Tama ka dyan kaibigan, maraming tao ang nagkakamali sa hindi paglagay ng stop-loss sa kanilang mga trades. Marami kasing scenario na maganda ang presyo ng tinitrade bago matulog ngunit pagkagising mo ay bagsak na pla ang presyo. Marami tuloy ang nagiging bagholder ng isang coins or token na walang halaga.
Patuloy kong iaupdate ang OP ayon sa mga ibinahaging karanasan at impormasyo sa talakayang ito. Mas maganda kasi na mayroong real life experience na halimbawa ang mga bawat pagkakamali na nabanggit o mababanggit sa usapang ito.