Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Binance na hack!
by
serjent05
on 08/05/2019, 05:58:41 UTC
Lahat tayo affected, I tried to check my account this morning pero suspend lahat ng withdrawal at deposits.
Freeze ata lahat, waiting for their announcement dahil meron akong i trade.

Kung ganya style nila, parang dirty tactic lang ano, kaya ingat basta pera talaga ang usapan, kahit dirty tactics pwede.

Pwede pa rin naman magtrade kahit na disabled ang deposit at withdrawal.



Posible rin kasing orchestrated ang hack kasi kung titingnan natin, mainit na mainit ang Binance then biglang nahack, ano kaya ang posibleng dahilan para isipin ang orchestrated. Alam naman natin na mahuhusay sa marketing strategy ang mga namumuno ng Binance, pwede kasing gawin ito para ipakita sa tao na hindi sila dapat mag-alala kahit nahack ang exchange kasi meron namang insurance na tinatawag sa SAFU na sasagot sa mga nawalang pondo.  

Ano naman ang ikabubuting dulot nito sa Binance.  Sa mga pagkakataon ng mga hindi inaasahang pangyayari, tulad ng pagkahack, naipakita ng Binance na insured at secure ang pondo ng mga taong nagdedeposit sa kanila sa pamamagitan ng SAFU.  Tataas ang trust rating nia in terms of insurance kahit na sabihing baba ang rating nila sa terms ng exchange security pero nanalify naman ito dahil walang mawawala sa mga nagdeposito kung sakaling maulit ang panghahack.  Sa maiksing salita, posible na marketing strategy ito para maipakita na kayang pangalagaan ng Binance ang mga dineposito ng mga tao kahit na magkaroon ng aberya sa exchange nito.