Sana meron ding mag share ng tips kung paanon pumili ng magandang bounty.
Mukhang mahirap ito. May kanya-kanya din kasing standard ang bawat isa sa pagpili kung ano ang maganda.
True magkakaiba ang criteria natin sa pagpili ng sasalihang bounty pero ang pinaka importante sa lahat yung reliable at hindi scam sa bandang huli. Marami kasing factors ang dapat i consider bago sumali, hindi pwedeng yung titingnan mo lang ay kung magkano yung makukuha mong reward.
Isa sa nakikita kong magandang indication sa pagpili ng sasalihang bounty ay yung manager na humahawak nito. Mas maganda kung trusted manager dahil malaki ang possibility na legit ang project, kasi nakataya din ang reputation nila dito incase scam ang bounty na mina manage nila.