Ang maganda sa coins.ph sobrang daming pwede kang mag cash in pati nadin cash out.. Problema lang talaga yung high spread ng buy at sell prices.dapat babaan nila para pwedeng mag convert ng php to btc ng walang inaalalang high fees
Okay naman ang fees dahil maganda ang services nila at wala masyadong problema antayin lang ang pwedeng mag compete sakanila baka doon nila ibaba.
Yes tama siguro kapag may lumabas na kakumpetensya si coins.ph baka sakali magbawas sila ng spread and fees para makasabay sa kumpetisyon pero for me mahirap na din talunin ang coins.ph dahil kilalang kilala na din sila
Di ko talaga iniisip na yung spread ni coins.ph ay fees na binabayaran natin sa kanila. Ganyan naman kasi kumilos ang mga exchanger, may sarili silang buy and sell rates. Marami na silang competitors ngayon kaso ang kinalamangan lang ng coins.ph, nauna kasi silang nakilala kaya kung meron mang sumunod na maging kilala, doon siguro sila mag adjust ng mga rates at fees nila. Maganda talaga merong ibang choice pero sa ngayon ok na ok naman si coins.ph.
Ang price spread ng buy and sell rate ay hindi naman talaga fees pero parang ganun na din kinakalabasan kasi since malaki yung difference so pwede maisip na may extra fee na din yun for the service. For example dapat na rate ni bitcoin is 200k in php pero 197k lang sa sell rate sa kanila so parang fees na din yung 3k na difference
In short income nila yan, gawin nating simple and explanation. Kumikita sila kung mag cash out at mag cash in ka dahil malaki ang agwat ng price, hindi ko lang alam pero parang pa iba iba ang rate, dati 5% ata ang spread pero now na compute ko nasa 3% nalang, pero kung big amount malaki talaga.
Laki pa din talagang kawalan ang 3-5% na fees na yon kahit na sabihin natin small amount, pero if palagi tayong naglalabas and mag convert to PHP to BTC sa simula mo pa lang lugi kana agad. Isa na din yung fees nila if mag send/transfer ka ng btc sa mga hindi coins.ph user.

Low is about 130php and malaki na din yun, kahit hindi ganun kataas demand ngayon ni bitcoin. Much better to have your own wallet address na ikaw nakakapag set ng fees.