Mababa pa yang fees na yan. Kaya lang naman natataasan kayo kasi in PESO / USD value kayo nagbabase.
Oo wala pa yan. I remembered one time yung fee ng transaction nung tumaas si bitcoin naging .001 BTC. Grabe yung taas nun, Ang ginawa ko hindi na lang ako nagtransact. Grabe 1k PHP for a 5k PHP transaction? Wag na.
Kung titignan natin halos lahat naman tumaas ang fee noong tumaas ang bitcoin ng mahigit 1 million pesos sa ating pera.
Ako ginawa ko nun if may transaction ako iniipon ko muna hanggang isend ko na sa ibang wallet dahil sa mahal ng fee. Mayroon pa nga akong naencounter na mas mataas pa yung transaction fee kesa doon sa bitcoin na isesend mo.
Wag na lang natin kalimutan na kapag tumaas ang presyo ng bitcoin ay mas dumami din ang nagsesend ng transactions so affected din talaga yung transaction fee kasi parang makikipag unahan ka para lang maconfirm yung transaction mo