Nasubukan mo na ba magtanong sa Union Bank? Sila ang pinaka-open na bangko pagdating sa cryptocurrency. Siguro pwede ka din sa BPI, parang allowed na din sa kanila ma-linked yung account mo sa mga exchanges.
Security bank at BDO pa lang na try namen hindi ko lang alam sa ibang branches nila, try ko yang Uninon Bank kung papalarin.
Anong level ng verification (ng mama) mo sa coins.ph?
Curious ako paano sila naghinala sa account niyo para i-freeze.
Level 3 yung account na gamit ko, dati pa daw ganto kapag mataas yung funds mo sa coins.ph i-freeze yung account mo para interview ka kung saan galing yung source of funds at marami pang tanung daw. Madali lang daw sana to kaso hindi ako yung i-interviewhin kundi mama ko e walang alam yun pagdating sa bitcoin or cryptocurrency.
Bakit hindi ka gumawa ng sarili mong account sa coins.ph at bakit sa nanay mo pa na walang alam sa crypto? Medyo nagtataka kasi ako sa post mo sa taas na nag loan ka kay shasan ng pangbayad ng bills e malaking laman yung nasa coins.ph mo so ibig sabihin kahit 50k wala ka sa bangko?