Parang ganyan yung naging rason nung mga na-freeze na account, kapag may malaking pondo ka kay coins.ph parang magiging mainit ka sa mata nila.
Makukuha parin naman yan kasi may interview naman, kailangan lang sabihin yung totoo.
Di yan ma-freeze ng walang dahilan. Kahit high balance pa yan.
In general, malaki rin ang galawan ng funds ko. Patunay dyan ang lintek na yearly interview at update credentials. Pero di naman na-freeze.
Sure ako may ginawang alarming yan user na yan.
Tama, hindi naman basta basta talaga mafreeze ang account kung walang shady activity sa account e. Personally milyon ang umikot sa coins.ph account ko last year wala naman naging problema.