Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.
Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.
Maraming salamat sa iyong komento! Marahil nga na hindi ito ang mismong dahilan kung bakit nagkaroon ng IEO ngunit isa ang pagban ng China sa kanilang mga investors ng pamumuhunan sa ICO kung kaya`t humina ang ICO sa mga nakalipas na panahon.
Mga year 2016-2017 pa ata na ban yung ICO sa China at humina ang ICO market nung mga panahong 2018 na yun ay panahon ng bear market. Talagang matumal nung panahon na yun kasi karamihan ayaw na mag invest kasi ang dami na ring mga scam.
https://blockonomi.com/what-is-an-ieo/Hindi si CZ ang naunang nagkaidea ng ganyan. Ang ganyang kalakaran ay ginagawa na mula pa noong 2014. At nagkaroon na ng ganyang bentahan ng crowdfunding sa POLONIEX one example is
QIBUCK COIN . IEO is just another new term pero ang practice ay matagal ng ginagawa kaya hindi original idea ni CZ ng Binance yang ganyang kalakaran.
Oohhh.. salamat sa ideya, hindi pala orig ideya yan ni CZ.