Lately may nakita ako sa peryahan ang lakas tumaya pero natalo sya, maya maya lumalapit sya sa ibang tao nanghihingi ng pera para pamasahe pauwi. Ewan ko ba kung bakit madaming tao yung lakas magpatalo sa sugal
Ibig sabihin lang nyan wala na syang control, hindi nya binibigyan ng limitasyon yung perang pinangsusugal nya kaya sya nasa ganyang sitwasyon.
I think dahil na rin sa greed or sa pagaakala nya na mababawi pa nya yung pera na napatalo kaya pati yung huling pera na siguro pamasahe na lang isinugal pa.
Sa perya man o sa casino dapat matuto tayong mag control or else baka maadik ka and worse magkautang utang pa.
Madami din akong kilala na ganyan mag sugal, mauubos na lahat ng pera nila dahil akala nila mananalo or makakabawi pa sila pero in the end masisimot lang yung dala nilang pera