Ang haba ng naging pagtigil ng bear sa market. Ngayon naman parang sa nakikita at naoobserbahan ko ay naghihingalo na sya. Sa palagay nyo si bear ay tuluyan ng mamamahinga muna at payagan na nyang mamuno sa pagtakbo ang bull?
Mahirap i-predict ng tama kung ano ang magiging market situation ng bitcoin pero kung tuloy-tuloy pa din ang pag-taas ng presyo nito hanggang sa end ng quarter na ito, expect na manatili ang bull run dito. Bigyan kita ng example: 3-5 weeks ago, presyo ng bitcoin nag-lalaro around P300,000-P350,000 with little resistance. Ngayon, nasa P450,000-P460,000 na ang current presyo sa market ngayon.
I highly advise na bumili ng bitcoin around P400,000 range at gawin itong short-term investment para makapag-yield ng profit depende sa kaya niyo na capital.