Tama,wag na lang umasa sa egivecashout kasi talagang maiinis ka lang. Sobrang daming problema at hindi lang ako ang magpapatunay niyan, halos lahat tayo dito naranasan na natin kung gaano kapangit yan. LBC talaga ngayon ang ok para sa akin, mahaba lang pila sa mga branch na napupuntahan ko.
One best cashout talaga from coins is Cebuana eh. I don't really know the reason kung bakit tinanggal yun. Imagine nung 2017 pwede kang mag cashout ng 100,000 pesos with just 100 peso cashout fee lang yata yun? Correct me if I'm wrong ah. Wala masyado pila sa Cebuana.
Pero as of now, LBC ang pinakamagandang cashout ang problem is yung pila and yung transaction nila medyo mabagal compare sa ibang cashout. Natry nyo na ba Palawan? Di ko pa to na tatry pero nag Trial and error ako mas maganda mag cashout ditto ng malalaking funds. 50k php is 160 peso fee. 5k php is 125 peso fee. Lugi ka sa fee mas maganda kung malakihan talaga.
Oo nga cebuana is the best talaga, ang bilis at easy na easy lang sa mga branch nila. Kaya na-miss ko na din yung pagpunta sa cebuana, wala akong ibang dahilan kapag bibisita ako sa cebuana kundi kukuha lang ng cash out ko. Ang bilis ng process mula kay coins.ph, tracking number at mismong branch nila konti lang pila. Ngayon mas mahaba pila ng LBC at medyo yun yung pinagiisipan ko ng paraan paano makakaiwas sa pila na mahaba. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pagkakaalis ng cebuana pero malay natin maibalik kung sama sama tayong mag request kay coins. @palawan, na try ko na yan kaso nga lang by 6pm mo pa siya makukuha, hindi instant pero para sa akin goods rin si palawan kung hindi ka nagmamadali.