Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Cryptogambling - Real Casinos - Perya
by
dameh2100
on 29/05/2019, 03:43:01 UTC
Lately may nakita ako sa peryahan ang lakas tumaya pero natalo sya, maya maya lumalapit sya sa ibang tao nanghihingi ng pera para pamasahe pauwi. Ewan ko ba kung bakit madaming tao yung lakas magpatalo sa sugal
Parang sa online casino's din yan meron yung todo at inaasam na manalo kasi nga pwedeng last money na nila yun o hindi kaya umaasa sila na manalo para sa pangangailangan nila. Ganito din ako dati at meron pa dyan kapag nasa perya ka, lalapit sayo magbebenta ng kung ano ano, cellphone, relo at alahas kasi nga natalo daw sila. Pero ako hindi ko na yun pinapansin kasi pwede rin na modus lang nila yun, kaya kapag may humingi at yan ang dahilan mukhang malamang, malaki ang pinatalo niyan.

Kahit saan naman sugal, mapa-online o in real life, hindi nawawala ang pagkagreedy na nauuwi sa pagka-adik sa sugal. Pero in real life, naranasan ko na panalo na ako pero hindi ko kaya umuwi dahil naaawa ako dun sa mga natalo, kaya pilit pa din akong naglalro at sa dulo ako yung umuwing talo, madalas itong mangyari saken. Ang isa pa, yung mga kasamahan mo ang talo kaya ayaw ka din nila pauwiin kasi panalo ka kaya sa dulo pare-parehas kayong talo. Mas mabuti pa siguro na yung kalaro mo ay hindi mo kilala, at ito ang advantage ng crypto gambling.