Siguro kalimitan sa gumagamit ng Bitcoin Mixer ay ginagamit sa mga transaction sa darkweb At ang darkweb sa pagkakaalam ko, at pwedeng gamitin sa illegal na gawain kaya siguro natatakot na din ang mga founder ng mga bitcoin mixer na ito na baka masangkot sila sa illegal na gawain ng mga user nila.
Hindi siguro kalimitan, usually for anonymity lang talaga, yung money launderer, konte lang sila pero yung volume ng transaction nila napaka laki.
Mayroon namang privacy coins as option. Based on my opinion, hindi naman masama ang mixer kaya dapat tingnan rin ang benefits nito hindi lang yung bad side, napaka unfair ng government, gusto nilang alam lahat ginagawa natin at dahil diyan posibling maging target rin tayo ng mga kriminal dahil kung corrupt sila, pwede nilang i leak ang information natin.
Tama ka, hindi naman lahat, kahit naman average Joe o casual investors/trader na gusto lang making anonymous eh pwede mag mixer. Siguro lang talaga dahil sikat ang bitcoin, yung mga illegal na transactions o yung mga criminal heto ang ginagamit parin sa ngayon kaya mainit parin sa batas.
Pero kung titingnan mo, maraming privacy coins pero kokonti parin ang gumagamit dahil nga hindi sila familiar o baka hindi pa nila alam kung paano mag convert sa fiat nang madalian.