Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
bhadz
on 29/05/2019, 21:44:08 UTC
Ayun, tama to naalala ko na na ganito yung fees when you're withdrawing 50k php. Mahilig kasi akong mag trial and error sa mga fees. Pinaglalaruan ko yung mga fees sa coins eh to see which is which na magandang cashout option para sakin.
Maganda din naman din yung sa cebuana kaso wala na eh, tapos na pero feeling ko mas mura at mas mabilis itong si LBC. Ang problema ko lang kay LBC ngayon yung mismong branch, malakas kasi halos lahat ng LBC dito sa amin.
Puwede pa tyagain dati iyong Php100,000 withdrawal via Php10,000 each transaction sa EgiveCash. 10 times lang ok na. Save fees ang kapalit lang is kaunting effort. When it changed to Php5,000 ginawa ko pa rin yan pero 2 times lang since sobrang babad na sa ATM and depende pa ang bilis nyan if smooth ang machine. Kahiya na rin sa mga taong nag-aantay sa likod so need pa dumiskarte kung anong oras kaunti tao. Then iyong guard akala makatingin may ginagawa ka ng unusual.
Yan nga rin yung sa akin, nakakahiya sa mga tao kapag sobrang tagal mo tapos madami ka ng resibo na hawak kung mahilig ka magtago ng resibo pero sa akin kasi tapon agad. Ang sakin naman kinakahiya ko minsan, kapag yung gwardiya tumitingin na parang may something sa isip niya tungkol sa akin kapag EGC yung gamit ko.