Anong payo na maibibigay mo sa amin sakaling gusto namin na mag-invest sa Harmony pagdating ng June 1? Do we buy right away or wait for the dump? Kadalasan kasi pag na-list na sa exchange ay "take profit" na yong nakabili sa IEO, they dump pero kung maganda naman ang use-case ng Harmony ay pwede rin siya i-hold for a midterm.
Hindi ako magaling sa mga ganito pero ang napapansin ko kapag start na ng trading ang isang coin na mula sa token sale, mas marami ang investors na nagbebenta at mag dump ng ininvest nila nung token sale. Pansin ko rin na tumatagal yung magandang volume sa mga ganitong project ng mga ilang araw kaya kung gusto mo sumabay sa hype niyan, ingat ka lang din kasi baka maipit ka kapag nag invest ka. Kaya kapag bumili ka dapat naka monitor ka.