Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paylance - an alternative to Coins.ph?
by
blockman
on 01/06/2019, 07:52:31 UTC
Meron naman din iba gaya ng Abra, Rebit, atbp. pero mas maganda kapag mas marami. Gusto ko din magkaroon ng healthy competition si coins. Ang problema sa kanila ngayon ay hindi sila masyadong kilala.
Yung abra isa din yang kilala dito sa bansa natin at sa ibang bansa rin kasi madami silang accepted na altcoins. Maganda nga magkaroon ng competition para mas macompare natin service at mas pag igihan nila ang mga service nila. Sa ngayon coins.ph parin ang pinakamaraming users sa bansa natin ang matagal tagal na rin pala itong paylance, meron ba dito madalas gumamit ng paylance kasi parang exclusive ang ginagawa niyang service sa mga users niya?
Im really sure if magkaroon ng katumpetensya si coins.ph mas magagandahan pa nito ang service nila dahil baka matabunan sila. Pero sa ngayon pinakakilala sila at million na kanilang user sa Pilipinas at mas lalo pang gumaganda ito kada taon kaya naman mas marami ang nagreregister at nagtitiwala sa kanilang serbisyo na talaga namang kahit tayo ay malaki ang tiwala sa kanila. Hindi pa siguro nagagawa ang makikipagsabayan sa kanila dinedevelop pa lang siguro.
Daming users na ni coins.ph at walang dahilan para sa kanila yung pa easy easy lang. Pagkakaalam ko nabili na sila ni gojek ng malaking halaga at iba na ang nagmamanage sa kanila pero ganun parin naman ang serbisyo na binibigay nila sa ating lahat. Pag mag kataon na mag open ulit ang registration ng paylance baka magregister ako para matry ko naman sila. Ang hirap kasi kung invitation lang ang paraan para makaregister ka sa kanila at dapat may kilala ka ata na member na ng paylance.