Ang unang tingin ko kung bakit may pump ang Bitcoin ay dahil sa Facebook Coin. Kung papaano ay di ko alam di naman yata talaga parang crypto yun eh. May nabasa akong 1 milyong active na BTC addresses na naitala din na possibleng maka-push ng galaw ng Bitcoin. Para sakin, ang napipintong Halving ay maaga pa para mag resulta ng uptrend ng Bitcoin.
Sa mga alam ang history ng Bitcoin lalo na tungkol sa price movement kapag nagblock reward halving ang Bitcoin ay talagang tumataas ang presyo nito. Kaya sakto lang ang panahon na ito para mag accumulate ng Bitcoin bago pa man dumating ang nasabing event. Bukod dito maaring malaki rin ang impluwensiya ng positibong gain ng Litecoin dahil sa darating nitong block halving.
Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip bakit magpapump ang Bitcoin dahil sa anunsiyo ng Facebook sa kanyang paglulunsad ng sariling cryptocurrency dahil kung titingnan natin ay wala naman itong kinalaman kay Bitcoin. Una ang cryptocurrency nature ng facebook ay centralized which is complete opposit ni Bitcoin. Pangalawa ito rin ay stablecoin kung saan nakapeg ito sa currency ng napiling bansat at pangatlo, karamihan sa backer nito ay hindi gaanong friendly kay Bitcoin. Sa pagkakaintindi ko ang paglunsad ng cryptocurrency ng Facebook ay hindi nagpopromote kay Bitcoin dahil wala sa nabanggit na gagamitin si Bitcoin bilang mode of investment. As of advertisement, ang mga nakalaalam ng facebook coins ay dati ng may alam kay Bitcoin at hindi pinupromote ni Facebook na bumili ng Bitcoin ang mga tao.
Malaki ang aking paniniwala na sadya lang talagang bullish si Bitcoin at nasabayan pa ng halving ni LTC na nagbibigay ng idea sa mga investor ang posibilidad na senaryo kapag dumating ang time na nag block reward halving ang Bitcoin. Ito ay ang paniniwala na posibleng magtriple rin ang presyo ni BTC tulad ng pagtriple ng presyo ni LTC.