Pero hindi lahat ng 5 million user ay my alam sa cryptocurrency siguro nagregister lang sila para makaha yung 50pesos bonus or pwede din naman na gagamitin nila ang coins.ph para sa pagbabayad ng bills or pagbili ng load pero ang kagandahan lang marami ng kababayan natin ang nagiging aware sa cryptocurrency.
Kung base lang sa coins.ph user masasabi natin na ganon na nga, hindi lang naman kasi para sa mga bitcoin users ang app para din ito sa mga gustong mag business o gustong i take advantage ang features nito just like gcash.
Isang example dyan ang kapitbahay namin na meron ding coins.ph account, may konting alam sya about bitcoin pero hindi nya ine explore dahil ang purpose lang ng paggamit nya ng app ay pang load at pambayad ng bills dahil sa rebate.
Kaya sa 5m users hindi tayo sigurado kung ilan ang bilang dyan ng talagang crypto enthusiasts.
Pwede rin dahil may mga nakikita akong mga tao sa facebook na ginagawang hanapbuhay ang 50 pesos kada invite sa coins.ph nagpopost sila sa mga group kaya pwede rin talagang hindi 5 million ang tunay na user ng coins.ph maari ring mga ilang million lang ang tunay user dito sa Pilipinas at ang ang ibang million ay may ibang pakay or purpose kung bakit nagregister sila sa coins.ph pero ang kagandahan aay dumadami tayo.