Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Iba't Ibang Uri ng Token Sales
by
CoinChili
on 10/07/2019, 06:01:16 UTC
Sa mga nagsasabi na patay na nag ICO, nagkakamali kayo. Buhay na buhay pa ito, PERO iilan na lang nag natira, yung mga natira dito ay karamihan mga scam na ICO at walang kwenta, kukunin lang nila mga pera niyo pag nagkamali kayo ng invest sa kanila w/out research.

Pero madami pa rin na mga bigatin na ICO ngayon, yung legit talaga at quality ang project pero yung ICO nila ay gumagamit sila ng third party company/entity para mag handle ng ICO nila which is the best.

Napansin ko sa mga IEO, lalo na yung gumagamit ng mga sarili nilang token (exchange token), ay parang ang sobrang panalo dito ay yung exchange eh. Hahahahaha, kasi gagamitin mo yung token nila pambili ng token sa IEO nila. Diba?

Ano ba talaga? Ang sabi mo ay buhay na buhay tapos kokontrahin mo rin ang sinasabi mo na iilan nalang ang natira. Ibig kasi sabihin ng buhay na buhay ay marami pa, madalang ibig sabihin nito ay halos patay na kasi kaunti nalang ang naniniwala dito.

Kasi ang dahilan nito kung bakit halos wala ng lumalabas na bagong ICO ay nasira ang imahe nito sa pamamagitan ng panloloko. Kaliwat kanan ang mga paratang na marami ang na scam sa ibat ibang panig ng mundo, kaya halos lahat ng bansa ay naglabas ng pagtutol o guide sa ICO.