Anyway, metrobank just really shown their interest talaga sa blockchain. Last time yung nagtayo sila ng 2 ATMs for cryptocurrency and nag trained ng 100 blockchain developers.
Really excites me huh... Maybe sila yung unang magkakaroon ng sariling coin (cryptocurrency) na bank sa country natin.
Aba, tumitindi ang labanan!
Pero magpapatalo ba ang
RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation)?
Pagkatapos magretiro ng kanilang dating president, ang ipinalit ay isang nagngangalang
Eugene Acevedo, isang veteran banker at, higit sa lahat, isang
technology advocate.
Hindi lang basta-basta advocate. Kung ang Metrobank nagtrain ng blockchain developers, siya mismo ay nagtapos ng
blockchain at
Artificial Intelligence (AI) programs. At hindi lang yan, sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) pa, tsaka sa University of Oxford, at University of California.
Source:
https://www.rappler.com/business/235089-new-rcbc-president-acevedo-gears-up-bank-digital-shift?utm_term=Autofeed&utm_campaign=Echobox&utm_medium=Social&utm_source=Facebook&fbclid=IwAR0Hfa_2YQLkSTaBTKimhqDc8gsdSSdJtSjSz80v0Xl8tzR30H1j3pg0a7U#Echobox=1562848260
Nakikita natin sa mga ganitong updates na ang mga bangko ay aware sa mga developments sa mundo at sistema ng banking, at sa iba't-ibang mga technological progress na maaaring makaapekto nito. Kung kaya't alam na alam nila na ang kinabukasan ng banking ay nasa digital. Dahil dito, unti-unti silang nag-adapt sa prevailing trend.
Maiiwan panigurado ang medyo tradisyonal mag-isip at ayaw tumanggap ng makabagong input.