Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 2 from 1 user
Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source.
by
meanwords
on 28/07/2019, 11:09:43 UTC
⭐ Merited by cabalism13 (2)
Looking at the current situation. Alam naman natin na medyo tahimik ang ating board compared sa iba pero hindi ko parin gets kung bakit kailangan natin ng panibagong merit source? Just like Cabalism said, most of the post here are not merit worthy at mukhang hindi naman ito mag babago kung sakaling madagdagan pa tayo ng merit source. Nasa tao naman kung gusto nila i-improve ang mga post nila.

Sa nakikita ko, mukhang hindi naman nagkakaroon ng shortage sa merit ngayon dahil nga sa kakulangan ng quality post sa board natin at hindi lang naman si cabalism ang nagbibigay ng merit dito. At isa pa, paanong dadami ang magiging active poster sa local natin? Hindi naman basehan ang activity ng isang member sa pagkakaroon ng merit, sa kalidad naman ng kanyang post(quality over quantity). Lalo pa ngang mahihirapan ang mga merit source dahil sa sobrang haba ng kanilang s-skrolin para lang makahanap ng quality post.

Agree naman ako Sayo OP na may pagka-bias din minsan ang mga namimigay ng mga merits pero satingin ko kakailanganin lang natin ng isa pang merit source kung sakaling nagkakaroon na talaga tayo ng merit shortage dito sa board natin. Kung worthy talaga ang post nila, magkakaroon at magkakaroon ito ng merit . Opinyon ko lang naman ito.