Noon pa man ay napapabalita na talagang maraming mga irregularities and corruption sa PCSO. Maraming mga opisyales at mga nakaraang administrasyon ay nagbulag-bulagan sa mga ganitong kaganapan sa ahensya nila. Halos lahat talaga madadamay sa suspensyon na ito, mga business at mga taong umaasa rito pero kailan tayo kikilos para masugpo ang corruption dito sa Pilipinas? Kapag lupa na ang kinakain ng mga mahihirap sa atin?
Hindi man ako nakakaramdam ng suspensyon ng ating Pangulo pero nawitness ko na ang mga naging kalagayan ng mga ibang Pilipinong mahihirap.
Ang iniisip kasi ng mga taong nagbubusiness ay maghihirap sila sa naging anunsyong ito ng ating Pangulo pero sino ba talaga ang nagsasakripisyo sa tagal ng pamamalakad ng mga ahensya ng gobyerno?
May good at bad side ito para sa ating mga nagoonline gambling or mga kumukuha ng nga kabuhayan sa online world. Isa ring threat ito sa ating nga nagccrypto na kung malaman ng ating pangulo ang ating kabuhayan, ano kaya ang gagawin nya? Pero sa tingin ko, hindi nya na ito sasaklawin kasi mga ordinaryong tao lang din naman ang nakikinabang ng mga ito.