Hindi ko lang din lubos maisip ang hangarin ng iba kung bakit sila hindi sumasangayon sa pagdaragdag ng merit source, dahil ba ito sa personal na bagay?
Hindi naman siguro sa personal na bagay kundi sa kanya-kanyang opinyon. Isa sa main argument kaya hindi pa daw kailangan is kulang sa activity or quality posts/comments.
Since bago ako dito, matanong ko lang kung ang 1 merit ay sapat na para isang pahayag na may punto at mas higit sa lahat ang sinabi?....
Sa totoo lang, wala naman talagang standard sa kung anong topic ang nararapat bigyan ng merit. May kanya-kanya batayan ang bawat isa kung ano sa tingin niya ang nararapat mabigyan at kung ilan ang ibibigay.
Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
Maliban sa bitcoin at altcoin thread, wala pa kasing childboard para sa mga non-crypto post. Hindi pa daw kailangan ayon sa ating local moderator. Pero kung isama mo mga naunang post, mas marami pa din ang mga crypto-related.