Ang mga bagong bagay sa paningin natin ay mahirap subukan dahil tayo ay nasa pagiisip ng pagiging ignorante. Kung ang isang tayo ay mulat sa teknolohiya, hindi yan matatakot sumubok sapagkat alam niya ang mga posibilidad na mangyari pagdating sa ganong bagay. Kung ang isang tao naman ay walang alam sa makabagong teknolohiya, mahihirapan siyang tanggapin ang kasalukuyan na ang mundo natin ay nagaadopt na ng mga makabagong bagay.
Ang blockchain ay isa sa mga makabagong teknolohiya, kung ang isang tao ay hindi alam ang blockchain siya ay matatakot mag-invest sa bitcoin dahil wala siyang ideya kung ano nga ba ito.
Paano ka hindi matatakot sa crypto investment?
Kailangan mo ng courage para sumubok ng mga bagay bagay at dapat handa kang tumanggap ng pagkatalo. Dahil kapag hindi ka marunong tumanggap ng worst na sitwasyon, mapapasama lang lalo ang tingin mo sa bitcoin. Kung ikaw ay handa na, pisikal man o mentalidad, ikaw ang mag-grow sa larangan ng teknolohiya. Ikaw ay magkakaroon ng tiwala't kaya ito ay susuportahan mo rin sa paglago. Dapat open ka sa mga ideya at wag humusga basta basta ng hindi nalalaman ang pinagmulan. Ang mga pinoy kasi ay mabilis magbitaw ng mga salita kaya't nananatiling ignorante ang iba. Mas mabuti ng kilatisin ang mga bagay dito sa mundo bago husgahan sapagkat hindi natin alam na baka ito na ang makakapagpabago ng ating buhay.
Kung alam mo sa sarili mo na okay ang crypto investing, anyayahan mo at bigyan mo ng sapat na kaalaman ang mga taong nakapaligid sayo upang mas lumago ang komunidad natin at sama sama tayo sa pag-unlad.