I'm not underestimating the knowledge of that barangay representative but her knowledge on Philippine taxation may be lacking. Hindi parehas ang classification ng trader sa freelancer.
To be more accurate, all income are taxable unless may specific provision na tax-exempt siya (may tinatawag tayo na non-taxable income). Wala pa naman nilabas ang BIR na tax-exempt ang kinikita natin sa crypto-related activities.
Tama ka dyan. Pero, wala kasing specific guidelines para sa atin, and sa traders if may tax ba talaga to. Pero, sana to clear things out sana maglabas si BIR ng guidelines regarding trading in exchanges, tutal di na naman mangmang ang Pinas sa mga ganitong uri ng transaction.
Madalas ang BIR kapag super laki ng kinikita mo sigurado ako hahabulin ka niyan at kailangan mo talagang magtax dahil baka mafreeze ang account mo sa banko ganyan ginagawa nila. Pero pasalamat pa rin tayo dahil hindi pa rin sila naglalabas ng order na kailangang magbayad ng tax ang mga nagbibitcoin dito sa Pilipinas.