Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit takot parin ang iilang pinoy sa crypto investment ay dahil sa mga nakakalat na isyu sa telebisyon at sa social media na ito daw ay scam. Isa rin sa dahilan kung bakit sila takot ay dahil kulang sila sa kaalaman patungkol sa bitcoin at sa cryptocurrency kaya napapangunahan sila ng takot at kaba para maglabas ng pera.