Ask ako if lahat din ba kayo nung bagong additional verification ni coins.ph, yunh kasi bigla may nag pop up nung pag open ko sa android phone ko. Kasi level 3 na account ko noon pa, tapos mga last 2 weeks ata yun ung lumabas humihingi ng ID at e video mo sarili mo tapos may sasabihin ka.
Selected users lang ba ang dumaan sa ganung proseso?
Recently (well not so recent, but this year lang), I was notified by coins.ph din about verification via email. Level 3 verified din ako and last year nakapag fill out na ako ng same form at nakapagpasa ng ID at Video, noong time na nag require sila ng KYC (Enhanced Verification).
Hindi ko sure kung lahat ng level 3 verified nirerequire nila, pero anyway baka nag a update lang talaga sila ng info. Tingin ko nga yearly na may ganito.
Saglit lang naman at never pa ako nagkaroon ng problema sa limits tulad ng sa iba.
Baka malalaki po mga transaction nyo, kasi sakin never nagpop-up or walang email galing sa coins.Ph. Level 3 din account ko, pero 10k-15k lang winiwithdraw or kinoconvert ko kada month.