Una sa lahat magandang araw po sa lahat ng kapwa pilipino dito sa forum na ito. Hindi ko po akalain na hanggang dito pinaguusapan ang kapa community ministry. Mawalang galang lang din po sa mga iba dito na nagsasabi na ito ay investment scam po, ako po ay miyembro ng kapa, totoo po na naging maingay po siya nitong mga ilang buwan na dumaan simula sa social media at sa mga balita sa t.v nung buwan ng June up to August, at ngayon po ay kahit ganun ang mga ngyari nanatili yung paniniwala ko sa Kapa, anuman ang sabihin po ng iba dito against kapa, freedom nio yan, sa ngayon operational napo ulit ang kapa legally, at totoo na meron napo siyang new system na iniimplement ngayon, at wala po siyang pinipilit na sinuman na magjoin or magpatuloy parin sa kapa, kung ito po ay isang investment scam po, sa tingin nio po ba bakit maglalakas loob ang ibang mga radio station na magbalita about kapa na ito ay operational na ulit, at bakit hindi siya maingay ulit ngayon sa social media at telebisyon, edi sana kinakasuhan na ulit ito ng NBI at nagiingay na ulit sa mga ibat-ibang broadcasting company kung ito po ay illegal talaga, ibig sabihin po, hindi naman po tanga ang mga radio station na maganounce sila na alam nilang ikakapahamak ng negosyo nila dahil sa maling balita,.. hindi po sa dahil ako ay miyembro pinagtatanggol ko ang kapa, desisyon ko po at kagustuhan ko na pumasok dito, kung may iba man na against sa ginawa ko, problema nio napo yun not mine kasi nakatulong talaga ito sa akin at magpapatuloy pa ang tulong na ito, dahil sa lahat ng history ng inakusahan ng investment scam dito sa pinas ito lang ang nakita qu na nakapagoperate ulit after ilang buwan, ibig sabihin nagkaroon lang po ng misinformation regarding dito. So, sana po respeto nalang po natin ang desisyon ng ibang tao kung gusto man nila o hindi magjoin sa kapa, magandang araw po sa inyong lahat.