Sino ba naman ang hindi maeengganyo sa mabilisang cash in o cash out at sa maramihang outlets dito. Isa pa sanay na din yata karamihan ng mga Pinoy na ipamigay ang mga ID nila kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit mas maraming gumagamit sa CoinsPh kaysa sa Abra. Mas inilapit pa ng CoinsPh ang mga utility bills na madalas ayaw pilahan ng mga tao pati yata mga government contributions (SSS, Pagibig, Healthcare) meron na din.
Iba pa rin talaga ang pagkakaestablish ng coins.ph sa kanilang brand. Binigyan nila ng malaking puntos ang pagbibigay ng kaginhawahan sa kanilang mga client. With regards dun sa pagkakaroon ng private key, it is a plus but I think it does not matter if hindi naman gagawing imbakan ng BTC yung platform. Just like me, ginagamit ko lang na medium for transfer yung coins.ph if ever na may babayaran ako or papadalahan ng pera.