Sa aking mga obserbasyon at nababasa sa mga project campaign, madami sa kanila magaling lang sa salita.
Magbibigay ng mga anunsiyo na sa ganitong petsa or ganun. Pero kapag nakuha na nila ang kanilang gusto at nakalikom
na ng pera dahil sa tulong ng mga bounty hunters, pagdating sa usaping distribution rewards sa mga sa hunters, madami ng
alibi ang sinasabi, kung hindi padadaanin sa swap at kyc, puro paasa nalang ang sinasabi at yung iba ay lantarang
pagsisinungaling na ang ginagawa, at yung iba para mareceive mo rewards mo kailangan pang magdeposit ka muna, mga kondisyon
na sobrang panlalamang, at kung my KYC naman isang buwan na lumipas hindi kapa naveverify or approve, kagaya ng nabasa ko sa Zloadr apps, at iba pa. Konti nalang sa mga campaign project ang masasabi ko na talagang legit. Kaya ireview nio muna ng maayos ang sasalihan nio
na mabuti. Bago kayo magdesisyon na sumali, Magandang araw.
Marami na akong nakitang ganitong project dahil isa din akong bounty hunter na nakaranas ng hindi pagsahod sa pagsali ng kanilang campaign. At kung titignan mo halos lahat ng campaign ngayon ay failed o di naman kaya scam kaya dapat bago tayo sumali dapat alamin natin kung talagang kikita tayo dito dahil kung hindi masasayang lang ang ating pagod. May mga token din akong hindi pa nalilist at sa tingin ko wala na din silang balak ilist ito sa magandang exchange. Maraming bagong bounty campaign ngayon kaya dapat pumili tayo ng maayus na sasalihan upang magbunga naman ang ating mga pagod.