Nakita ko ito nung isang araw sa bandang Parklea, isang terminal ng mga jeep sa Mandaluyong habang naghihintay ako sa susunod kong meeting. Nakakatuwa na may iilan na sa ating mga kababayang tech ang nagsisimulang tumanggap ng bayad gamit ang bitcoin, at marahil eh meron din sa ibang tech centers sa Pinas at hindi lamang dito. Mabuti na may iba na sa kababayan natin ang namumulat sa posibilidad na bitcoin na ang ipambabayad at hindi na physical cash at credit/debit cards, ayun nga lang ay kaunti pa rin ang kaalaman ng karamihan sa ating mga kababayan tungkol dito.
Nevertheless, magandang simula pa rin kung tutuusin!
Ayos yan, sigurado akong ang may ari nyan ay isang Bitcoin believer. At may kaalaman sa pwedeng magawa ng Bitcoin sa hinaharap.
Malamang lamang nyan yung mga kapitbahay nya dyan na kagaya din ng negosyo nya ay nagtatanung din sa kanya kung pano o ano ba magiging
pakinabang nila sa bitcoin pag tinaggap nila din itong pambayad sa negosyo nila. Sana unti-unti ng mamulat ang merchants natin dito sa ating bansa
sa ganitong bagay.