Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others
by
matchi2011
on 01/10/2019, 14:39:05 UTC
May mga kanya kanya kasi tayo ng pananaw kung paano mabuhay at kung paano tayo kikita ng pera, isa nga diyan ay pag iinvest ng ating pera para lumago pero karamihan talaga sa mga pinoy ayaw mag invest ng kanilang pera , pero mas gusto nila isugal ito , nakakatawa man isipin pero totoo. Hindi nila iniisip kung anuman nag kahihinatnan nila sa future basta masaya lang sila ngayon sa kanilang gawain ok na , kumbaga e bahala na bukas. 
Agree ako dito kabayan, karamihan kasi sa ating mga pinoy ay medyo maluho at gusto talagang bumili ng mga mamahaling bagay kaya naman hindi na nila naiisipan pang magipon. Siguro ang isa sa kulang sa mga pinoy ay ang tamang mindset para sa investing. Kaya mas maganda kung nagaatteng din tayo ng mga seminars patungkol sa financial literacy at iba pa.
Magandang suggestion yan Bro, pag meron ka kasing kahit konting knowledge patungkol sa financial aspects madaling mabubuksan ung isip mo na hanapin ung mga paraan para palaguin ang pera mo. Instead na magastos lang sa wala, madami pa ring pinoy na tamang enjoy life lang after makasahod from work, ihihiwalay ung pang gastos at ung pang good time pero kulang talaga sa idea na may iba pang paraan para hindi na sana habang buhay mamasukan, kung mabubuksan lang ang isip at magsimulang pag aralan lalo na itong crypto industry, pakonti konting bili ng bitcoin kada sweldo ung isang taong ipon mo malamang malaki laki rin ung maiipon kailangan lang ng basic ideas na palalalimin sa sariling interpretasyon.