tanong ko lang sa mga paymaya users, meron bang option dyan para makapag request ng bank statement? malaking bagay kasi yung pwede makakuha ng bank statement kung kinakailangan kaya kung nakakapag bigay sila kung mag request ka baka mag open ako ng account sa kanila
Hindi ako paymaya user pero kung magrerequest ka ng bank statement kailangan mo pumunta mismo sa bangko mo at doon ka magsabi. Ako naman bilang BPI user, meron sa online account namin na pwede mo I-download yung bank statement mo. Kasi kung gagamitin mo man ang bank statement, tingin ko hindi na yan sakop ni paymaya. O baka naman yung history ng mga transaction ng paymaya account ang kailangan mo?
sa gcash kasi pwede ka mag request ng bank statement sa app kaya ako nagtatanong kung pwede sa case ni paymaya. iba kasi yung bank statement sa bangko at sa gcash ang fully aware naman ako dyan. nagulat nga ako dati nung nakita ko sa gcash na pwede ka humingi ng bank statement e hehe and yes parang history of transaction pero bank statement pa din dapat yung kalalabasan, halos same kasi yung history saka yung bank statement pero may pagkakaiba ng konti