pano ba tong instapay?sorry medyo late ako pagdating sa mga payment method
Choice mo lang naman kung gagamitin mo ang instapay. Kumbaga third party service siya ni coins.ph na mas mapapabilis yung mga cashout natin gamit yung withdrawal method na preferred natin kay coins.ph. Merong mga bank na wala sa listahan ni instapay.
At ang pinakamaganda kapag yan ang pinili mo, 10 pesos lang ang fee mo. Pasok na pasok yan kung gcash ang ginagamit mong withdrawal.
10 pesos in any amount yan? Di ko pa kasi nagagamit actual yang instapay na yan kaya hindi ko pa gaanong magets yung process pero one of these days itatry ko yung service na yan since gcash user ako madali kong macocompare yung pros and cons.