Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Small-time tech shops accept Bitcoin as payment
by
Bagani
on 07/10/2019, 14:10:28 UTC
Nakakatawang isipin na kung sino pa ang mga maliliit na business, sila pa ang mas may kakayahang mag innovate ng kanilang business. Samantalang ang malalaki o kilalang tindahan ay takot o walang balak tumanggap ng ganitong klaseng pagbabago.
Pero nakakatuwa pa rin na kahit maliit lamang sila ay open parin sila dito. Hindi man kapansin pansin, pero kahit sa maliit na paraan, makakatulong ito sa pag promote ng bitcoin sa bansa.
Sa totoo lang mahirap kasi talagang iimplement ang ganitong payment system sa mga malalaking negosyo pero at least isa na ito sa magsisimula ng adopsyon sa bansa. Mas lalong madaming tao ang macucurious kung ano ba ang bitcoin at masasabing legit pala ito dahil tinatanggap bilang kabayaran sa serbisyo sa maliit na tindahang ito.