Nangyari na din sa akin ito , level 3 verified ung account ko then patingin ko s alimits and verification bumaba sa 25k na lng , and then that time may nag email sa akin na gawin yung enhance verification na yun na matagal ko naman nang nagawa but pinagawa pa rin ulit . No choice ako kaya ginawa ko na rin at nung na approve na yung enhance verification na ginawa ko , balik na ulit sa 400k ung limits ko.
Sa akin naman hindi nangyari yung ganito na nabawasan yung limit ko at isang beses lang nila ako ininterview at vinedio call. Di ko alam bakit sa iba meron silang yearly check at merong follow up interview at verification. Pwede sa mga madalas na malalaki yung halaga at parang nagulat lang si coins kaya need niya I-verify ulit. Active lang din yung account ko at lagi ko din ino-open yung account ko sa kanila, madalas din ako magtrade pero hindi ganun kalaki pinapasok at labas ko.
Ako hindi ako apektado dahil level 2 lang naman ang akong account sa coins.ph at ang limitation naman nung akin ay tama at sakto sa karamihan na ganoon din sa kanila. Peri kung bumababa ang limit niyo hindi maaari yan dahil kaya nagkaroon sila ng level by level tapos babaan lang nila pero kung may other requirements pa talaga silang hinihingi no choice ka kundi sumunod.