bro pwede ba matanong kung ano requirements ang ipinasa mo sa coins.ph regarding enhanced verification? bumaba na din kasi limit ko pero sa ngayon ang pwede ko lang maipasa is bank statement pero yung bank account ko kasi walang malaking pera na gumagalaw so ok lang kaya yun para maibalik sa 400k limit ang account ko?
Wala bang ibang requirements na pwede mong ipasa? itanong mo mismo sa coins.ph rep para alam mo yung ibang req na pwede mo I-comply sa kanila.
base dun sa list yung bank statement lang kaya ko iprovide. wala kasi akong registered business saka payslip dahil meron lang ako is maliit na business na barangay permit lang meron so wala din akong ITR hehe. actually medyo matagal na tong enhanced verification sakin pero hindi pa ako nakakapag comply kasi ok lang naman sakin yung current limit ko pero syempre gusto ko na din ayusin ngayon
Ang ITR pwede ka kumuha kahit maliit business (correct me kapag mali). Kung sa tingin mo ok naman ang limit mo, edi wala na pala dapat itaas pero iba kasi ang may mas mataas na limit kasi kung sakali na malaki ang ilalabas mong pera. Wala kang poproblemahin sa limit mo. Subukan mo muna I-send yung bank statement mo kahit hindi ganun kalakihan ang laman ang mahalaga may cash flow dyan at meron kang savings. Tingin ko yan lang ang hinahanap basta merong labas at pasok na pera sa bank account mo.