Yun lang, dapat pala talaga ikaw ang aaksyon. Mas maganda talaga may higher limit lalo na kung may naka imbak kang mga bitcoin o kaya mga altcoin na tingin mo tataas balang araw. Tingin ko sa ngayon, lagyan mo nalang muna ng cash flow yung bangko mo para kung sakali man na yan ang ipasa mo, ma approve ni coins. Yun ang alam kong basic reason kapag hinihingi ang bank statement para malaman kung tuloy tuloy pa ang pasok ng pera mo.
mukhang ganun na nga ang mangyayari kaya siguro kailangan ko paikutan ng pera yung bank account ko para kahit papano maganda tingnan kapag pinasa ko na kay coins.ph saka isa sa mga reason kung bakit naisipan ko na din magpa enhance verification is kapag emergency atleast pwede ako mag cashout ng mas malaking amount kesa sa 25k na limit ko ngayon per month
Nagtrabaho kasi ako dati tapos yung mga client namin dati required din ng bank statement para sa ganitong purpose kaya tingin ko halos lahat ng nanghihingi sa cash flow ng isang prospect client nila tumitingin at sa case naman ni coins, va-vadalite niya lang siguro kaya ganyan. Sa emergency, tama ka dyan kasi pag mas need mo ng mas malaking cash at wala kang malapitan pero naabot mo naman yung limit mo, ang choice mo mag antay lang pero kung mas mataas limit mo, pwede ka mag withdraw ng isang biglaan lang.