May nabiktima nanaman ng isang malware na pinapalitan ang bitcoin address kagaya nung nasa OP. Ingat sa mga mahilig mag-copy paste dyan ng mga address lalo na yung mga windows ang os.
kaya kailangan talaga ung mga ganitong issue ikinakalat sa forum eh,eto ang topic na hindi masamang na bubump dahil makahulugan at malaking tulong sa bawat isa
matanong ko lang katulad kong d mahilig gumamit ng control C sa pag copypaste instead ung manual copy pasting pa din ang ginagawa ko meaning safe ako sa malware?
anyway pinaka safe pa din ung advice ni LoyceV na i double check ang address from first middle and last digit/leter combi to make sure na tama ung ilalagay mo at hindi malware infected