Add ko lang, everytime na ginagamit ko yun Gcash card ko sa RCBC na ATM walang syang kinakaltas na 20php para sa transaction fee, I hope makatulong to sainyo kase sakin malaking tulong to, dahil madalas ako mag withdraw gamit yun card ko

Feedback nalang kung sainyo din gumagawa pag sa RCBC ATM nag withdraw

Bali ang withdrawal fee pala niya kapag sa ibang bank ay 20 pesos? mas malaki pala to sa kaya savings ni BPI na 15 pesos kapag ibang bank at 5 pesos naman kapag mismong BPI ATM ka magwiwithdraw. May idea ba kayo na bakit libre lang siya kapag sa RCBC atm nagwi-withdraw? applicable din siguro ito sa RCBC savings bank dahil iisa lang naman may-ari niyan di ba? parang sa BPI merong BPI Family, Chinabank at Chinabank Savings, etc.
Yong 2% cash-out fee from coins.ph to Gcash ay wala na since sa instapay ay php10.00 nalang ang babayaran natin at kung gusto mong umiwas sa bente na withdrawal fee sa ATM, doon ka mag-withdraw sa RCBC dahil marami na ang nakasubok, pati ako na walang bayad ang withdrawal sa bangkong iyon.
Napakalaki talagang advantage ang magkaroon ng Gcash card kung ikaw ay palaging nagka-cashout dahil 24/7 ang serbisyo nila.
Meron pa rin yung sa 2% fee ni gcash sa coins.ph kaso nga lang dahil may option na sa instapay, malamang mas maraming gagamit na nung option na yun.