Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Baguhan - gusto matuto mag trade
by
panganib999
on 12/10/2019, 16:14:18 UTC
⭐ Merited by itoybtc (1)
Magandang gabi po, baguhan lang po ako sa bitcoin at ako po nagbabalak mag trade. Ano po maipapayo ninyo na maganda at katiwa-tiwalang local website para mag trade?
Tips tricks welcome po. Salamat
Umpisahan mong aralin kung tungkol saan ba ang trading at kung ano ba ang nangyayari sa sistema nito. Mahalaga din i-consider muna ang mga bagay na kakailanganin at kung kakayanin ba ang trading bago mag-desisyon na pasukin ito. Maraming mga analysis at techniques na maaring gamitin gaya ng technical analysis, fundamental analysis at marami pang iba. Marami ding mga youtube tutorial na maari mong panoorin upang matuto. Pero higit sa lahat, matutong wag maapektuhan sa mga pressure sa iyong paligid at huwag magpapadala sa emosyon sa oras ng pag-galaw ng mga presyo sa crypto space.