Nakita ko ito nung isang araw sa bandang Parklea, isang terminal ng mga jeep sa Mandaluyong habang naghihintay ako sa susunod kong meeting. Nakakatuwa na may iilan na sa ating mga kababayang tech ang nagsisimulang tumanggap ng bayad gamit ang bitcoin, at marahil eh meron din sa ibang tech centers sa Pinas at hindi lamang dito. Mabuti na may iba na sa kababayan natin ang namumulat sa posibilidad na bitcoin na ang ipambabayad at hindi na physical cash at credit/debit cards, ayun nga lang ay kaunti pa rin ang kaalaman ng karamihan sa ating mga kababayan tungkol dito.
Nevertheless, magandang simula pa rin kung tutuusin!
Ayon sa mga statistics at analysis ay ang bitcoin or cryptocurrency adoption ang may pinaka-mabagal ang pag-usad sa crypto space, dumaan na ang pinakamalakas na bull run ng bitcoin noong 2017 ngunit ang adaptasyon ng masa sa pag-gamit nito ay kakatiting parin at malakas lamang sa mga malalaking negosyo.
Kaya naman magandang balita na may mga small enterprises kagaya na lamang ng nasabi ang tuluyan ng tumanggap at naging bukas sa pag gamit ng bitcoin at tuluyang sumasabay sa modernisasyon, magandang panimula at kontribusyon sa pagpapalaganap ng massive adoption ng bitcoin at cryptocurrency sa kabuuan.