Anong masasabi nyo sa pagkakaron ng mga tamang seminar tungkol sa airdrop and bounty sa ibang kapwa pinoy? Para na rin makaiwas sa ibang mga scam at makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa crypto sa atin.
hindi na siguro kelangan ng seminar pa neto , tulad nga ng sabi ni arwin masakit yan sa ulo ng magtuturo ang kelangan nila gawin mag research at pag aralan nlang nila. Kaya naman yan kahit walang nag tuturo sayo basta tutukan at unti unti mong aalamin at isa may bayad ba seminar?
Actually melted walang bayad sa seminar, dahil ang seminar ay para mag bahagi ng kaalaman at para ipaalam ang mga bagong patakaran sa kung ano mang seminar ang iyong pupuntahan.
Pero sang-ayon ako sa hindi na kailangan ng seminar para lang may malikom na kaalaman. Dahil mas mabuti ng ikaw ang makaalam ng kung ano man ang gusto mong malaman.
Kaya lang rin naman may nabubuo na seminar at ito rin ang pinaka problema natin ay ang mga taong tamad gumawa ng paraan upang may malikom na kaalaman.